Google

Wednesday, November 5, 2008

Litratong Pinoy |Malaala Mo Kaya?


Ito ay Kuha nung akoy nasa kolehiyo, 6 na taon ng nakaraan.
This is photo back i college, taken 6 years ago.

Masasayang barkada na parang walang problema.
Kay saya nuong bata pa,
problema mo lang ay kung paano ka papasa.
Pag and crush ay masulyapan,
Ligaya'y wala ng katapusan

Nasan na ba sha?
Di ko na nakikita
Balita ko'y lumipad na
Sa Singapore Gf ay kasama

kaibagan miss ko talaga
Kay tagal na naming di nagkikita
Balita ko naginuman sila
Kasama ni Ross na tatay na

Madalas ako'y di nakakasama
Sa gimmick ng mga loka loka
Hirap talaga ang maging ina
Lalo't kung ikay nagiisa

Hanapbuhay muna, bago ligaya
Pambili ng gatas at ano-ano pa
Di kaya'y umuwi sa pamilya
Nang ang anak ay makasama

Kayo? nakakasama nyo pa ba sila? Nkikita mo pa ba ang barkada?


Type rest of the post here

7 comments:

Tanchi said...

tlgang valuable ang mga taong nakapaligid sa atin:)
lalo na ang barkada:)

maligayan LP
http://monkeymonitor.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-2-maalala-mo-kaya.html

linnor said...

kitang-kita ang saya sa mga mukha ng kasama sa picture na yan. di kataka-taka na ma-miss mo sila :)

Overflow
Captured Moments

Toni said...

Hindi ko na gaano nakikita ang barkada ko nung kolehiyo, pero salamat sa email, Facebook at SMS, alam pa naman namin kung ano ang nangyayari sa isa't isa!

Four-eyed-missy said...

Isa sa mga nagpasaya ng college life natin ay ang mga barkada, di ba??? Na-mi-miss ko na nga sila e, once in a blue moon na lang kung magkita-kita kami. Kahit na nga may email, facebook, etc., iba pa rin yung kayo ay magsama-sama.

Anonymous said...

ay kainggit naman, may pic ka pa with your classmates!

ang saya nung nag aaral pa tayo ano :)

happy LP!

Ibyang said...

ang pinakapaborito kong alaala sa iskwela ay ang mga panahon na nasa college ako...at hanggang ngayon kahit malayo na ang ibang kabarkada ko, close pa rin kami dahil sa technology na dulot ng internet :)

ibyang
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-maalaala-mo-kaya.html

Joe Narvaez said...

Kakamiss ang college days...

Kumusta po? Ito po ang lahok ko ngayong linggo.